No man is an island daw... Lahat tayo mabubuhay ng may kasama. Kahit pa ni-isa sa kanila, walang marunong umintindi. Basta ang alam nila, magkasama kayo sa hirap at ginhawa. Period. Hindi na dapat pang hingan ng paliwanag.
Bilang patunay rito, heto ang mga listahan ng mga taong minsang nakasama ko at makakasama pa. Siguro, kahit pa ma-amnesia ako, hindi sila mawawala sa isip ko.
(NOTE: ang mga taong nasa listahan sa ibaba ay kulang pa. Kung hindi ko kayo nabanggit, i-text nyo lang ako o i-inform para maisama ko kayo jan.)
Gestine - bestfriend ko! Ang taong nakakaalam ng bawat hibla at pahina ng buhay ko. Minsan nya kong ipinagkanulo pero hindi nun naapektuhan ang malalim naming pagkakaibigan. Bestfriend For Life nga e! :)
Franz - bestfriend ko din! 3rd year high school lang kami naging close. Naghahanap ako nun ng taong pwede kong i-recruite para maging bestfriend ko. Nag-presenta sya. Swerte ko! Simula nun, damayan na sa mga problema. Siya ang kokontra sa bawat desisyon ko. Tatanungin ko ng mga tanong na mali naman ang ibibigay nyang sagot. Bestfriend For Life! Ang taong nag-mulat sa akin na bobo at tanga ako. ^^
David - triplets. Ang taong may sayad sa utak. Ka-pareho ko ng ugali. Sumpungin. Kahit na matagal na rin kaming hindi nag-kakasama dahil sa ibang school sya pumapasok, walang nagbago sa pagkakaibigan namin.
Carl - ang taong unang nagpa-iyak sa akin sa school. Ang master ko. Lagi kasi akong buntot ng buntot sa kanya nung elementary kami. Lagi kasi kami sabay umuwi. Kagaya ni David, magka-iba man ang school na pinapasukan namin, lagi pa rin kaming nag-kikita (magkapit-bahay kami) at walang nagbabago sa pagkakaibigan namin.
Dan - sya ang pinakakaiba kong bestfriend. Bakit?? Kasi bestfriend ko sya sa text at chat. Ironic nga e, kasi pareho lang kami ng school na pinapasukan at 45 lang kaming magkaka-klase pero NEVER pa kaming nag-usap ng seryosohan yung tipong ginagawa ng mga totoong magkakaibigan at para sa akin, hindi pa talaga kami nag-uusap. Puro formal talk lang.
Marxlen - true friend ko. Saglit lang kaming nagkasama. Actually, sa camp/seminar lang yun na ginanap sa PSHS (Pisay MAIN). Doon sya nag-aaral at nung nagka-kilala kami, parang matagal na kaming mag-kaibigan. Siguro hindi na kami magkikita uli pero mananatili at mananatili kaming magkaibigan.
Richard - pinakauna kong bestfriend. Kababata. Araw-araw kaming nagkikita (magkapit-bahay din kami). Isang taon man ang tanda nya sa akin, parang at home na at home kami sa isa't isa.
Melchor - kuya ni Richard. Mas close kami kesa kay Richard. Mas marami ang mga kalokohang pinag-gagagawa namin. Masaya. Dalawang taon ang agwat nya sa akin. Nursing student. Mula pa nung mga bata kami, magkakaibigan na talaga kami. Walang kupas.
Martin - ang Salutatorian namin nung elementary. Kahit na minsan neck-to-neck ang laban namin, walang aberyang nagaganap sa amin maliban sa tradisyunal na pag-aaway namin tuwing patapos na ang school year. Mag-kaiba rin kami ng school na pinapasukan ngayon pero tuwing nagkikita kami, wala pa ring pagbabago. Magkakaibigan pa rin.
Daylara - true friend. Mataba. Hindi ko sya kayang i-describe. Iba sya. Simple. Nakakaalam ng mga secrets ko.
Lynel - ELF. Ever Lasting Friends. SaBog PINOY. Lagi kong kasama sa mga kalokohan ngayong high school. Taga-tulak sa akin para sa kasalan. Masaya kasama. Totoo.
Ana - ELF at bestfriend ko din. Grade 5 nung una ko syang makilala at maging kaibigan. Sya ang dahilan kung bakit hindi ako umuuwi tuwing tanghali sa bahay para kumain. Lagi kasing marami yung baon nya, share kami. NEVER nya kong inayawan. NEVER nya kong nilaglag. NEVER nya kong pinabayaan.
Greta - matalik na kaibigan. Hindi ko na alam ang mga nangyayari sa buhay nya ngayon. Napariwara na daw. Kung anong nangyari, hindi ko alam. Hindi ko man lang sya nakitang nagkaroon ng problema noon, lagi nya kasi itong ikinukubli sa mga mapanlinlang nyang tawa at ngiti.
Davin - kaibigan. Tunay, totoo. Minsan nakakaasar yung ugali nya pero natututunan ko na ring matanggap yun. Nasasanay na ko sa kanya.
Arman - SaBog kong kaibigan. Hindi ko alam kung kaibigan nya ko pero nararamdaman ko yun. Laging kalokohan lang ang nasa isip. Matalino sa Math. Never ko pang nakitang may problema sa buhay.
Sarah - pinakatotoo kong kaibigan. Walang pakundangan. Kapag tinanong ko sya, mag-eexpect akong maganda ang sasabihin nya at lulubag ang loob ko pero iba sya. Sasabihin nya talaga yung totoo in Most Honest manner at ipapamukha sayo na dapat kang gumising sa katotohanan. "Wala ka bang toyo sa bahay nyo?!"
Jesse - isang kaibigan na hindi ko masyadong napapansin. Sya ang nagmulat sa akin na kung iniisip mong walang nakakaunawa sayo, nagkakamali ka. Andyan si Jesse, tahimik na sumusubaybay at nanunuod sa mga pangyayari mo sa buhay.
Joenel - ang taong nag-turo sa akin kung pano mag-isip. Inspirasyon ko sya sa pag-aaral. Matalino. Henyo. Hindi lang nga nabibigyang pansin.
Elijah - matinong kausap. Seryoso, totoo. Hindi ko alam kung pano ko sya pasasalamatan sa mga bagay na na-itulong nya sa akin. Lalo na sa computer updates and uploads.
Jomar - SaBog din. Palangiti, palabiro, masayahin. Payat. Para sa akin commoner sya sa mga kaibigan ko. Basta alam ko sya lang ang kakilala kong classmate nung Grade 1.
Reiza - bestfriend ko na nga din! Kasi girlfriend sya ng bestfriend ko. Lagi akong kasama sa mga B-day parties nya. Classmate and friend since Grade 2. Marami na kaming pinag-samahan. Marami na ring mga bagay na ginawa at pinagkatuwaan. Hang-out namin ang bahay nila. Maraming food, masarap!
Ilan lamang sila sa mga kaibigang laging nanjan para lapitan. Kahit yung iba sa kanila hindi ganon ka-totoo sa akin. Masakit man isipin pero yun ang katotohanan. Sila ang mga taong nag-bigay importansya sa akin. Mga nag-bigay kulay sa buhay ko. Mga taong minsan kong nakasama at makakasam sa mundong pinilit kong baguhin... minsan...

No comments:
Post a Comment