Tuesday, January 20, 2009

Bakit Walang Makaintindi??



Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang lahat ng ito...
Basta ang alam ko lang, kaylangan kong magsulat para masabi ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin ng personal...
Kadalasan, maingay at banggag ako. Pero dumarating din yung panahon na nagiging malungkot ako bigla... Parang nasa gitna ako ng kasiyahan tapos malulungkot ako ng walang dahilan... Ang mahirap pa dun, walang nakakaintindi...

Minsan, masaya pala maging mag-isa... Ngayon lang nangyari sakin 'to... Isang linggo akong hindi pumasok tapos nagmumukmok... Hindi ko alam pero parang masaya pala... Gigising para bumangon, manunuod ng movie mag-isa tapos paulit-ulit mo lang yun gagawin... Ako naman ang may responsibilida ng buhay ko eh... Kaya wala silang paki-alam...
Noong una masaya talaga yung high school life ko... Kwentuhan, tawanan, harutan, galaan... Yun ang lagi kong ginagawa... Pero ewan ko ba... Parang bigla na lang nagbago ang lahat kung kelan graduating pa man din ako... Minsan nga, nakita ko na lang ung sarili ko... parang out of place??... Hai... Ang hirap talaga... tapos sasabihin pa nila papansin ka... o kaya deadma lang... tipong "ahhh ok.!"
Normal lang naman akong tao... ang hindi ko lang talaga maintindihan e bakit parang lahat ng tao sa mundo kalaban ko... Sa totoo lang ganon naman talaga lagi... Kapag may debate, mapapansin kong lahat sila laging sa affirmative kumakampi, ako naman, ayun!... kalaban nilang lahat... Isa lang ako laban sa buong room... pati yung teacher kalaban!

BATCH 2009. Puerto Princesa City National Science High School. Running for valedictorian. Mayabang. Pilosopo. Mapang-api. Ganon nila ko kadalasang ihahambing...

"What is your sense of being??"

Tinanong yan sakin... Ang sagot ko, "Ipinanganak ako para intindihin lahat ng bagay sa mundo..."

No comments:

Post a Comment